Because of ‘married’ issue: Derek Ramsay, not in good terms with ABS-CBN management?!

OLA CHIKKA! NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Nakakaloka ang mga dumaang bagyo, kaya sana ay tumigil na, huh!

Pero kahit may bagyo, ‘di pa rin tayo titigil sa mga chikkahan, dahil itong chikka na ito… nagsimula lang ito sa blind item. Na isa nga raw aktor ang kasal na sa isang Fil-Indian.

Masama nga raw ang loob ni Papa Derek Ramsay sa Dos dahil nga sa mga kumakalat na isyu, at balak na nga raw nitong lumipat sa ibang istasyon, dahil nga sa mga nangyayari.

Kaya naman pati nga siguro ang relasyon niya kay Angelica Panganiban ay maapektuhan. Pero sa tingin ko naman, wit! Kasi nga, sa dinami-dami ng nali-link kay Derek, hindi pa rin sila naghihiwalay. Lalong tumatatag ang relasyon nila… ang tagal naman. Hahaha!

At heto pa, kinausap pa mismo ni Derek si Gretchen Fullido para itigil na nga ang chikka. At kaya hindi siya makaalis sa Dos ay dahil marami pa siyang project dito, at may gagawin pa siyang pelikula under Star Cinema. Pak!

Keri kaya ni Angelica ‘yan? Wit wit sa mga ibon…

HETO PA ANG chikka na nagsimula rin sa blind item na hiwalay na itong senator sa isang TV host. Totoo kaya ang mga bali-balitang hiwalay na sina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez. Kaya raw nilayasan niya ito ay dahil sa balita rin noon na bading daw itong senator na ito na lumabas din noon sa mga blind items?

Ooops! Naku, hindi ko kinaya. Hahaha! At talagang sumagot daw itong asawa na hindi nga raw totoo ang isyu. Abangan na lang natin ang confirmation, kung ano ba talaga!

AGAIN AND AGAIN… walang sawa talaga ako sa pagbibigay sa inyo ng mga latest at fresh na fresh na chikka mula sa showbizlandia!

Isang linggo ang nakalipas, nasaksihan namin ang live recording ng 4th album ng Kapuyaters nating si Yeng Constantino sa Teatrino Greenhills nang kami ay maimbitahan ng isang malapit na kaibigan sa industriya.

Clap! Clap! Clap! Nang bonggang-bongga ang masasabi ko sa kanya, dahil napakahusay umawit ni Yeng. Bawat kanta niya ay tunay na binigyan ng magandang areglo ng kanyang idolong si Mr. Jack Rufo. Bawat kantang inawit ng batang singer ay tunay na pinalakpakan at hindi magkamayaw sa kasisigaw ang mga nanood sa nasabing live recording ni Yeng.

Hindi d’yan natatapos ang chikka, dahil naispatan namin ang ilan sa mga bigating artistang nanood at nagbigay ng kanilang suporta sa kaibigan. Naroon sina Erik Santos na kasama si K-La Rivera ng Star Power, Rachelle Ann Go, Vincent Bueno ng Star Records, Sam Milby, at marami pa mula sa Cornerstone Management. At pati na rin ang Bellhaus Entertainment ay nagpakita ng suporta kay Yeng.

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleOut in the open: Luis Manzano and Jennylyn Mercado, spotted sweet and holding hands in a mall!
Next articleBianca Manalo covers-up Jake Cuenca’s courtship?!

No posts to display