“My Bebe Love”, naka-P159 milyon na; nangunguna sa MMFF box-office results

 alt=

Ai-Ai-delas-Alas-Vic-Sotto-Alden-Richards-Maine-MendozaTumatabo sa takilya ang pelikulang “My Bebe Love #KiligPaMore ” na kumita na ng gross sales na P159 milyon at kasalukuyang nangunguna sa box-office results ng mga pelikulang kalahok Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

Sa inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na official figures ng box-office para sa unang tatlong araw ng festival – mula December 25 hanggang 4 p.m. ng December 27, nasa number 1 spot ang nasabing pelikula mula sa OctoArts Films, MZET, APT, MEDA, at GMA Films, kung saan bida sina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, at ang phenomenal na loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Pumangalawa naman “Beauty And The Bestie” na kumita ng P131 milyon. Mula ito sa Star Cinema at Viva Films, bida sina Vice Ganda, Coco Martin, James Reid, at Nadine Lustre.

Nasa pangatlong puwesto naman ang “Walang Forever” nina sina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado, bagama’t napakalayo ng kinita nito na mayroon lang P36 milyon. Gayundin ang pang-apat na “Haunted Mansion” nina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce na naka-P29 milyon pa lang.

Hindi naman naglabas ng figures ang MMDA para sa kinita ng iba pang mga kalahok na “All You Need Is Pag-ibig”, “Buy Now Die Later”, “Nilalang”, at “Honor Thy Father”.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores