Beauty Queens Maxine Medina at Casie Banks may bonggang showdown sa ‘Regal Studio Presents: Karinderya Queens’

KAKAIBANG putahe na naman ang handog sa atin ng Regal Studio Presents ngayong Sunday. Kung sa last episode ay horror-comedy ang kanilang offering for Halloween, isang campy at riot episode naman ang tampok this weekend!

Beauty Queens Maxine Medina at Casie Banks may bonggang showdown sa ‘Regal Studio Presents: Karinderya Queens’
Casie Banks and Maxine Medina

Kung sa First Yaya ay pinainit niya ang ulo natin as the villain Lorraine, for the first time ay mapapanood natin ang Miss Universe Philippines 2016 na si Maxine Medina na mag-all out sa pagpapatawa bilang Dayanara o Yara. First time din sasalang bilang TV actress ang Miss World 2019 Second Princess na si Casie Banks bilang Sushmita o Sushi.

Do their character names ring a bell? Kung batang 90’s ka, siguradong pamilyar sa inyo ang impact ng mga reyna na sina Dayanara Torres at Sushmita Sen. Sila lang naman ang dalawa sa most-loved foreign queens ng mga Pinoy na may mga nanay noon na pinangalanan ang kani-kanilang mga unica hija with their names. Ka-vogue, ‘diba?!

Mga Karinderya Queens na laging nagbabangayan kung sino ang mas maganda at sino ang mas magaling magluto. Sa teaser ng episode ay todo indak ang dalawa pero sabay na tumulo ang laway sa pagdating ng tricycle driver na si Dante, na played by the resident hunk papi ng Kapuso Network na si Derrick Monasterio! Ano kaya ang magiging papel ni Dante sa pagkakaibigan ng dalawang reyna? Makakatulong ba ito para maayos ang gusto sa pagitan nila, o mas lalo bang lalala? HALA!

Siguradong mabubusog tayo sa katatawa ngayong Linggo, 4:35 PM sa Regal Studio Presents: Karinderya Queens pagkatapos ng Dear Uge! Bet na bet din natin itong pampa-good vibes ngayong weekend.

Previous articleAna Jalandoni nag-ipon nang todo para mai-produce ang ‘Manipula’
Next articleAndrea Torres aariba bilang Pinay tango dancer sa Argentinian movie na ‘Pasional’