Beauty Queen Material: Ria Atayde, the next Miss World!

ADVERTISING

Beauty Queen Material: Ria Atayde, the next Miss World!

Beauty Queen Material: Ria Atayde, the next Miss World!
Ria Atayde

KUMPIRMADO NA HINDI tsika lang ang imbitasyon ng Miss World Philippines na sumali sa contest ang magandang anak ng aktres na si Sylvia Sanchez at ng negosyante na si Art Atayde na si Ria Atayde.

Pero may problema: Sa kaso ni Ria, kailangan pa raw magpapayat nito ayon sa kuwento ng ina.

 

Sa tingin namin ay hindi pang-beauty queen ang peg ng dalaga. Mas akma sa kanya ang maging isang artista tulad ng ina at maganda naman ang panimula niya sa showbiz via the morningserye ng Kapilya netwrok noon na “Ningning” at ngayo’y as Dra. Gia sa super hit na “My Dear Heart”. Sa takbo ng kuwento ay si Heart pala ang anak na hinahanap niya. Magtatapos ang family drama this week.
 
Actually, hindi ang pag-aartista ang gusto ni Papa Art (tawag namin sa dad ni Ria) sa anak, kundi maging isang newscaster or ito ngang maging isang beauty queen.
 
In short pinagbigyan lang ng ama ang hilig at masasabing influence na rin ng ina at ng Kuya niyang si Arjo Atayde.

Pero paniwala nina Sylvia at ni Papa Art ay nasa anak nila ang final decision kung tutuparin ba ni Ria ang hiling ng ama na maging isang beauty queen ito.
Tulal, nagtapos na sa kanyang college degree ang young actress sa DLSU (na siyang first rule ng mag-asawa). Na kay Ria na talaga ang final say.

Ria is part of Star Cinema’s new romance comedy “Can We Still Be Friends?”.
Ilang linggo na rin na super tuhog ang dalaga kasama ni Gerald Anderson sa mall tours to promote the film, na showing na nationwide ngayong darating na June 14.
 
 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING
ADVERTISING