Beauty Gonzalez, magiging Kapuso na rin ba?

NAUUSO ngayon ang balitang paglipat ng ilang Kapamilya stars sa Kapuso network. Ilan sa mga naririnig natin ay ang pangalan nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Pokwang.

Ang latest na artistang balitang mag-o-ober da bakod ay si Beauty Gonzales.

Beauty Gonzalez, magiging Kapuso na rin ba?
Beauty Gonzalez

Noong 2018 pa unang nabalita ang paglipat sana ni Beauty sa GMA. Nag-guest pa nga ito sa game show na Celebrity Bluff. Napigilan ang paglipat nito nang in-offer sa kanya ng ABS-CBN ang afternoon drama series na Kadenang Ginto, kung saan minahal ng madlang pipol ang pagganap nito bilang Romina. Benta sa mga viewers ang warlahan at sagutan nila ni Dimples Romana at trending palagi ang kanilang mga eksena. Sa programa rin pinakilala sina Andrea Brillantes at Francine Diaz bilang mga next important stars ng network.

Sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay isa si Beauty sa mga artista na ‘pinahiram’ sa TV5. Nagbida ito sa ‘I Got You’ with fellow Kapamilya stars RK Bagatsing and Jane Oineza. Naging next project naman nito ang ‘Paano ang Pasko?’ at ang sequel nito na ‘Paano ang Pangako?’ na nagtapos naman noong Holy Saturday.

Ngayon ay malakas ang tsikang sa GMA na muli mapapanood si Beauty. Habang wala pang kumpirmasyon ito, wala rin balita patungkol sa next project nito either sa TV5 man o sa ABS-CBN. Ibig sabihin, libre ito na magtrabaho sa Kapuso network kung sakali.

Si Beauty Gonzales kaya ang napisil nila para magbida sa prequel ng Pepito Manaloto bilang batang Manilyn Reynes? We won’t be surprised, if ever. Ano sa tingin niyo?