Beauty Gonzalez, hihinto na sa showbiz pagkatapos ng anim na taon

BIDA si Beauty Gonzalez sa bagong afternoon prime series ng GMA na ‘The Fake Life‘. Isa itong family drama kung saan leading men niya ang award-winning actors na sina Ariel Rivera at Sid Lucero.

Nag-umpisa si Beauty bilang isa sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008 kung saan siya ang itinanghal na 4th placer.

Beauty Gonzalez, hihinto na sa showbiz pagkatapos ng anim na taon
Beauty Gonzalez

Kahit na hindi ito ang grand winner, nagkasunod-sunod naman ang kanyang showbiz projects starting with playing supporting and bestfriend roles hanggang sa mabigyan ito ng big break at ginawang bida sa Ningning. Pagkatapos nitong manganak ay ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN ang mga teleseryeng Pusong Ligaw at ang iconic series na Kadenang Ginto.

Ngayon na isa na siyang certified Kapuso ay sunod-sunod din ang kanyang naging proyekto. Una na dyan ang Stories From the Heart: Loving Miss Bridgette na kinakiligan ng mga viewers ang tambalan nila ni Kelvin Miranda. Sumunod ang mini-series na ‘I Can See You: AlterNATE kung saan nakatambal naman niya sa primetime ang Kapuso King na si Dingdong Dantes.

Ngayon ay mapapanood ulit siya ng televiewers sa hapon with The Fake Life. Marami ang nagtataka kung magtutuloy-tuloy ba ang kanyang pagiging aktres?

Ayon mismo kay Beauty ay may agreement sila ng kanyang asawa. Magtutuloy-tuloy pa rin ang paggawa ng aktres ng mga TV and movie projects for the next six years. Pagkatapos nito ay magli-lie low muna ito para pagtuunan ng pansin ang pagdadalaga ng kanilang anak.

Dahil nauso ang mga locked-in taping simula noong nagkaroon ng pandemya, kinailangan ni Beauty na sumunod sa patakaran. Bumabawi ito sa kanyang asawa at anak by going on trips pagkatapos ng kanyang mga showbiz commitments.

In fairness, interesting ang premise ng The Fake Life kaya hindi na kami magtataka kung katulad ng mga past teleseryes ni Beauty ay muli itong susuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Previous articleAriella Arida hindi naniniwala sa ‘second chance’
Next articleGabbi Garcia at Khalil Ramos binulgar ang sikreto ng kanilang relasyon