Beauty Gonzales, namamanata na rin sa Itim na Nazareno

ADVERTISING

Beauty Gonzales, namamanata na rin sa Itim na Nazareno

Beauty-GonzalesUNFORGETTABLE ANG performance ni Beauty Gonzales bilang kikay na kaibigan ni Toni Gonzaga sa pelikulang Starting Over Again na pinagbibidahan din ni Piolo Pascual na ipinalabas last year. Naging monster hit ang pelikula na umabot sa almost P400 million.

ADVERTISING

May nakikitang potential marahil ang ABS-CBN kay Beauty kaya naman madalas itong mai-cast sa mga teleserye. Her recent is Dream Dad, kung saan gumaganap naman siya bilang secretary ng bidang si Zanjoe Marudo. At mukhang hindi lang basta sa pagiging secretary lang matatapos ang role niya. May posibilidad kasi na maging magdyowa pa sila ni Zanjoe, huh!

“I’m super thankful po na may mga project ako sa ABS-CBN at awa ng Diyos, hindi talaga ako nababakante. Ewan ko ba… siguro, mabait lang talaga ang Diyos sa akin,” sey ng aktres.

Isa sa naging panata ngayon ni Beauty ang pagsama sa prosisyon ng Black Nazarene tuwing January. Nagsimula raw ito last year at doon siya naging Black Nazarene devotee. Hinding-hindi raw niya malilimutan ang naturang karanasan sa buong buhay niya.

ADVERTISING

“Nagsimula ito last year, I became a devotee kasi sobrang nagkatotoo lahat ng wish ko sa kanya lalo na ngayon sa career at buhay ko. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya, kasi parang He helped me reach my dreams,” kuwento niya.

“Nu’ng sumampa na ako, iba ang feeling, nakakaiyak. Sobrang I felt his presence and ‘yung mga taong tumulong sa akin, super thank you sa kanila. ‘Yung mga bata nakakatuwa, sobrang bait nila sa akin and sobrang suporta,” dagdag pa niya.

Samantala, bukod kina Beauty at Zanjoe, bida rin sa Dream Dad ang baguhang child actress na si Jana Agoncillo na walang relasyon kay Ryan Agoncillo. Hahaha!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING