Beauty Gonzales, naiyak sa lead role

Beauty Gonzales, naiyak sa lead role

Beauty-GonzalesUMIYAK PALA si Beauty Gonzales nang isama siya sa Dream Dad as leading lady ni Zanjoe Marudo. First time kasing nabigyan ng lead role si Beauty. Nasanay na kasi siya sa role na pa-support-support sa mga lead star ng isang serye.

Dahil sa katuwaan at hindi makapaniwala na siya ang napili ng production team na maging leading lady ni Zanjoe, hindi na ito nakapagpigil sa pag-iyak.

Kuntento na raw kasi siya sa role na pagiging bestfrriend ng bayan sa mga series at movies na ginagawa. Hindi na raw siya naghangad na umangat pa dahil okey na sa kanya ang estado ng career basta may regular na trabaho.

Anyway, wala raw nangyaring adjustment kina Beauty at Zanjoe sa set. Nagbiro pa si Beauty na pang-big star na ang treatment sa kanya sa set ng Dream Dad dahil siya na nga ang leading lady sa nasabing serye.

Naniniwala si Beauty na napansin siya nang mag-pose nang seksi sa isang mens magazine. At naniniwala rin siya na ang boyfriend niya ang nagdala sa kanya ng suwerte.

Kaya nga raw puro mature ang gusto niyang maging boyfriend dahil nag-i-enjoy siya sa baby treatment sa kanya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo