Beauty Gonzales, ipinagdiinang walang magaganap na John Lloyd-Ellen wedding!

ADVERTISING

Beauty Gonzales, ipinagdiinang walang magaganap na John Lloyd-Ellen wedding!

Beauty Gonzales, ipinagdiinang walang magaganap na John Lloyd-Ellen wedding!
Beauty Gonzales with JLC-Ellen Adarna insert

SINUPLA ni Beauty Gonzales ang naglalabasang balita sa social media na ikakasal na ang best friend niyang si Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz sa Cebu.

Sa farewell presscon ng Pusong Ligaw kung saan isa si Beauty sa mga bida, idinenay niya ang balita.

 “Hindi, ah. Wala naman akong alam diyan. Wala akong balita. Wala akong balita.”

Isa raw kasi siya sa unang makakaalam kung saka-sakali ngang ikakasal si Ellen kay Lloydie.

ADVERTISING

“Sa totoo lang, if I would know, I will be the  first one to know  but it’s not true, okey. So, wala akong balita,”giit pa niya.

Dagdag niya, “At saka bakit naman nila itatago yon? Masaya sila sa isa’t isa, I mean, bakit  nila kailangang itago ang mga bagay-bagay na yon?

 “So if they’re gonna get married or not, that’s their decision.”

Sana raw ay hayaan na lang ng mga tao na maging masaya ang dalawa.

“Kung masaya sila, hayaan natin silang maging masaya. I mean, they’re not doing any showbiz work anymore, give them a break. Wala na nga sila dito sa mundo natin kaya patahimikin na natin sila,” pakiusap pa ni Beauty.

Eh, ano naman ang reaksyon niya sa sinasabing meron ng wedding preparation para sa Lloydie-Ellen wedding like contacting catering and florist?

“Naku,  nakakatawa naman yan. You know what, the family of Ellen owns a catering business. So, ano pa ba?

“Ano’ng florist, sinong florist? Taga-Dangwa ba? Hindi ko alam… wala, walang florist. Malapit na ang Sinulog baka nagpa-flower sila sa bahay nila,” tawang-tawa niyang reaksyon.

Pangungulit namin kay Beauty, hindi kaya late siyang ii-inform ni Ellen about her wedding kaya hindi pa niya alam ang tungkol dito?

“Wala ngang mangyayari (kasalan),” pagdidiin niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING