Beauty doctor, may malubhang sakit?! – Tita Swarding

ADVERTISING

Beauty doctor, may malubhang sakit?! - Tita Swarding

Beauty doctor, may malubhang sakit?! - Tita SwardingOLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo? Naku, mga kafatid, itong si sikat na beauty doctor ay may malubhang sakit na dinadala sa ngayon. Sa kabila ng lahat ng ipinakikita niya sa kanyang mga kliyente na masigla si beauty doctor, kabaligtaran umano ito sa totoong buhay.

ADVERTISING

Dahil nga raw sa hindi magandang kalagayan niya ngayon, hindi alam ng pamilya kung saan ito ipagagamot. Dahil wala pa raw nakaligtas o naka-survive sa sakit na dinadala niya ngayon.

Hmmm… pagdating sa mga latest na kagamitan sa pagpapaganda at kung anu-anong surgery ay updated ito at magaling talaga. Hindi nga lang kasi mga artista at ordinaryong tao ang mga kliyente niya, kundi maging ang mga pulitiko at ilang mga kilalang tao sa ibang bansa na sa kanya nagpapapaganda, huh!

Halos pabalik-balik na nga itong si sikat na beauty doctor sa ibang bansa, at ngayon ay nakatakda na namang mag-abroad upang doon magpagamot. Chikka sa akin ng malapit na kaibigan ni beauty doctor, ayaw raw nitong ipaalam na malubha ang kanyang kalagayan. Ayaw raw kasi niyang pagpistahan siya ng mga reporter, at hindi nga raw niya balak na ipaalam ito.

ADVERTISING

Naku, ha?! Clue: Matagal na siya sa ganitong propesyon bilang beauty doctor. ‘Yun na!

MARAMI ANG NALOKA at hindi nila maintindihan ang binitawang pahayag ng kampo ni Krista Ranillo, na kesehodang may mga death threat na natatanggap ang kanyang pamilya kaya ayaw raw muna nilang umuwi sa bansa, huh!

Halos napuno ang aking e-mail ng mag sulat at halos ‘di ko na nga mabasa sa sobrang dami.

Bakit kailangang makatanggap siya ng mga ganoong mensahe, aber?! Kung wala siyang kaaway nang bonggang-bongga, eh, hindi siya makatatanggap ng ganoon.

Pero sa isang e-mail galing sa isang abnir123@yahoo.com: “tita swarding, kung makatanggap si krista ranillo ng death threat, walang ibang nagbanta sa kanya kundi si jinkee pacquiao or ang dating asawa ni michael de mesa na si gina alajar. mahirap magbintang pero nasa dalawang lang…”

Naloka ako sa e-mail na ‘yan, huh! Kung sino ka man na nagpadala ng e-mail, nalerke ako sa message mo! ‘Yun na!

GUSTO KO LANG ipaalam na trabaho lang, walang personalan. Dahil may nakarating sa akin na may nabanggit daw ang kasamahan ko rito sa Pinoy Parazzi na si Lolit Solis sa programa nina Lakay Deo Macalma at Pangga Ruth Abao sa Hataw ng DZRH, tungkol sa eskandalong kinakaharap ng alaga nitong si Mark Herras.

Maraming beses nga raw na nabanggit ni Lolit ang aking pangalan, at nabanggit pa raw nito na ako na lang ang kukuning ninang ng anak ng babaeng nagpahayag na nabuntis ni Mark Herras?!

Naku, ha?! Ayaw ko ng gulo dahil magki-Christmas na! Trabaho lang ang ginagawa ko bilang isang mamamahayag, a ‘yan ang isyu, kaya bakit ko itatago? Hmmm… kaloka!

Kaya abangan ngayong Linggo sa aking programa sa DZRH ang one-on-one interview sa babaeng nabuntis daw ni Mark Herras, para magkaalaman na! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING