Beautederm Corporation sinalubong ang 2021 nang pag-welcome kay Dingdong Dantes bilang bagong celebrity endorser

Leo Bukas

MAY SIMULANG pasabog agad ang Beautéderm Corporation ni Rhea Tan ngayong 2021. Isinabay nila sa pagsalubong ng bagong taon ang pag-welcome kay Dingdong Dantes bilang opisyal na brand ambassador ng Beautéderm Cristaux Supreme.

Ang Cristaux Supreme ay isang FDA-Notified product na dinadagdagan ang collagen synthesis na bumabanat at nag-moisturize ng balat; nagpapaputi ng balat; minimizes skin puffiness; alleviates eyebags; provides glass skin; at nag-defy sa pagtanda.

Beautederm Corporation sinalubong ang 2021 nang pag-welcome kay Dingdong Dantes bilang bagong celebrity endorser
Dingdong Dantes

Mainam ito sa mga edad 18 gulang at pataas at ligtas para sa mga lactating mothers ang produktong ito ay meticulously formulated at sinadya at maingat na ginawa upang maging ligtas para sa lahat ng skin types at pinakamainam itong gamitin dalawang beses sa isang araw at maaaring gamitin bilang primer sa make-up.

Si Dingdong, na ang kamangha-manghang karera ay tumatakbo ng halos 4 na dekada, ay isa na ngayon sa mga most celebrated at most respected na aktor sa industriya. With a consistent string of top-rating primetime TV series and blockbuster movies under his belt, si Dingdong na kaka-40 lang ay hindi immune sa mga tolls ng kanyang hectic career na malaki ang epekto sa the youthful glow ng kanyang balat.

“Kailangan din naming mga lalake na alagaan ang aming balat. Beautéderm Cristaux Supreme is an essential part of my daily skin regimen at bilang isang aktor, araw araw ko itong giangamit to maintain the youthfulness of my skin. Cristaux Supreme is really age defying,” sabi ng award-winning actor na kakatapos lang ng kanyang top rating primetime series sa GMA-7 na Descendants Of The Sun.

Ipinapaliwanag naman ng Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang mga wondrous effects ng Cristaux Supreme.

“Dalawang taon na worth of wrinkles ang binbura ng Cristaux Supreme in just two months of regular use. Very hard-working si Dingdong at ang mahahabang oras na ginugugol niya sa set ng kanyang trabaho sa pelikula at TV will really give his face unwanted lines and wrinkles, at ang Cristaux Supreme ang pinaka-ideal na serum para sa kanyang lifestyle.

“I’m very much aware of the long-term effects of my work to my skin lalo na ngayong 40 na ako. I encourage every man to use an effective skin regimen like Beautéderm’s Cristaux Supreme as it will surely keep us looking fresh and youthful,” lahad ni Dingdong.

Beautederm Corporation sinalubong ang 2021 nang pag-welcome kay Dingdong Dantes bilang bagong celebrity endorser
Dingdong Dantes and Rhea Tan

Espesyal na taon ang 2021 para sa Beautéderm dahil minamarkahan nito ang 12th anniversary ng kumpanya at ang launch ni Dingdong bilang brand ambassador ay una pa lamang sa maraming sorporesa na inihanda ni Rhea para sa bagong taon.

“Maligaya ako ngayong bahagi na si Dingdong ng aming Beautéderm family. Nandito na ang araw that we can proudly say that Dingdong Dantes is officially a Beautéderm Cristaux Supreme brand ambassador,” sabi ng very ecstatic na si Rhea.

Maligaya din si Dingdong ngayong bahagi na siya ng kumpanya kung saan ang asawang si Marian Rivera-Dantes ang mukha ng Beautéderm Home na nag-ooffer naman ng exquisite line of soy candles as well as room and linen sprays.