Bea Binene, trabaho muna, saka na ang lovelife

ADVERTISING

Bea Binene, trabaho muna, saka na ang lovelife

Bea Binene
Bea Binene

Nananatili pa ring single ang isa sa prime artist ng GMA 7 na si Bea Binene na matagal na ring walang napababalitang karelasyon since nag-break sila ni Jake Vargas, taon na ang nakalipas.
Tsika nga ni Bea Binene, trabaho lang daw ang concentration niya ngayon at ayaw niyang mag-entertain ng mga manliligaw. Pass daw muna siya pagdating sa pagkakaroon ng karelasyon at maraming bagay pa raw ang gusto niyang gawin kaysa ang ma-in love muli .
At sa magandang feedback daw sa kanyang acting sa kanyang pinagbibidahang soap na “Hanggang Makita Kang Muli”, natutuwa raw ang dalaga dahil worth it daw ang hirap na kanyang pinagdaraan sa kanyang soap.
Mas inspired nga daw itong magtrabo nang magtrabaho at mas mapaganda pa ang kanilang soap nang sa ganun ay mas marami pang mga taong maengganyong tumutok sa “Hanggang Makita Kang Muli”.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING