Bea Binene, tinatawag daw na aso ‘pag namamasyal

ADVERTISING

Bea Binene, tinatawag daw na aso 'pag namamasyal

Bea Binene
Bea Binene

Napaka-versatile ng GMA prime artist na si Bea Binene na halos lahat ay kayang gawin from acting, singing at dancing to hosting.

Ilang beses na rin ngang nagbida sa kanyang sariling soap si Bea Binene na ang latest ay sa “Hanggang Makita Kang Muli”, kung saan marahil hindi malilimutan ni Bea ang kanyang role na ginampanan dito. Everytime daw kasi na lumalabas siya para mamasyal o kaya’y may show, marami ang tumatawag sa kanyang “aso”, base na rin sa kanyang role na ginagampanan.

Meron na rin itong maipagmamalaking sariling album na naging gold at may mga ilang hit songs dito tulad ng “Mr. Disco” na originally ay kinanta ni Manilyn Reynes.

Lutang na lutang naman ang galing ni Bea pagdating sa hosting, kung saan regular itong napanonood sa “Good News”, kasama ang award-winning newscaster na si Ms. Vicky Morales at Ms. Love Añover.

ADVERTISING

Maging sa sports ay pinasok na rin ni Bea, kung saan ang husay nito sa Wu Shu ay hindi matatawaran at pangarap nga nito na makalaban sa Olympics.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING