Bea Binene, pinatatamaan si Jake Vargas sa tweet

Jake-Vargas-Bea-BineneSUNOD-SUNOD ANG tweet ni Bea Binene at tila si Jake Vargas ang pinatatamaan niyang sinungalin. Nakasaad sa tweet: “Tables are turned because of your lies. For me, somebody should admit something if he/she really did it, but should not lie just to get everybody’s hearts.

“You’re obviously trying to get sympathy but its better to admit it that to make people that are telling the truth look stupid and dishonest.”

Ayon sa isang source, may hindi raw nagustuhan si Bea sa mga naging interview ng ex-boyfriend na si Jake Vargas nu’ng tanungin ng press sa ginanap na presscon ng Buena Familia, kung saan si Julie Anne San Jose ang magiging love interest nito. Sinasabi raw kasi ni Jake na okey naman daw sila ni Bea bilang magkaibigan at panay naman daw ang text niya rito para kumustahin. Pero si Bea lang daw ang hindi sumasagot sa kanya. In short, dedma raw ito sa mga text niya.

Pero ayon sa source, wala naman daw natatanggap ng text or tawag si Bea from Jake kaya nagalit ito sa ex-boyfriend. Bakit hindi na lang daw sabihin ni Jake ang katotohanan na wala na silang communication at hindi raw ‘yung pinalalabas ng young actor na kawawa dahil dinededma lang siya ni Bea.

Nasabi rin raw ni Jake sa isang interview na wala raw third party kaya sila naghiwalay ni Bea. Pero ang totoo raw ay babae raw talaga ang dahilan ng break-up nila last February.

Nalaman nga raw ni Bea na taga-Olongapo ang babae at pinagsabay raw sila nito kaya nagalit at nakipagkalas.

Sa nakaraang GMA Fans Day nga raw na ginanap sa MOA Arena ay todo-iwas nga raw si Bea na magkasalubong sila ni Jake. Hindi raw talaga lumalabas sa kanyang dressing room si Bea hangga’t ‘di natatapos ang production number ni Jake.

Nag-perform si Jake kasama ang cast ng Buena Familia at Pepito Manaloto. Samantalang si Bea naman ay nakipag-duet sa partner niya sa Vampire Ang Daddy Ko na si Derrick Monasterio.

At sa Instagram at Twitter account ni Bea ay na-delete na lahat ang mga photo ni Jake. Talaga yatang nasagad na si Bea sa kasinungalingan ni Jake.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleBarbie Forteza, binuko sina Derrick Monasterio at Miguel Tanfilix
Next articleNora Aunor, itinaon sa kasal ng anak na si Ian de Leon ang pagkakasakit

No posts to display