Bea Binene, nahihilig sa pagta-travel

Bea Binene, nahihilig sa pagta-travel

Bea-BineneAFTER MAGTUNGO sa Tagaytay nang ilang araw, nasa Palawan naman ngayon ang GMA prime artist na si Bea Binene kasama ang kanyang ina at kapatid para magbakasyon.
Ang pagbibiyahe sa iba’t ibang probinsiya sa Bansa ang kinahihiligan ngayon ng teen actress na naging puro papuri ang natanggap sa mahusay nitong performance sa Yagit at talaga namang hinangaan ang husay sa pag-arte.
At ngayong naghihintay pa rin ito ng kanyang next show sa GMA 7, ang pag-a-out of town muna ang pinagkakaabalahan ni Bea at ang pagpunta sa ibang bansa.

2nd PMPC Celebrity Badminton Tournament, pangungunahan  nina Glydel, Rufa Mae, Joyce, at Isabel

 

GAGANAPIN NG Philippine Movie Press Club ang 2nd PMPC Invitational Celebrity Badminton Tournament ngayong Linggo, June 7, 2015, 1:00 to 7:00 pm, sa Powerplay Badminton Center, Apo St., Sta. Mesa Heights, Quezon City.

Sa ikalawang taon ng tournament, maglalaro ang members ng press kasama ang mga kaibigan at celebrities tulad nina Rufa Mae Quinto, Glydel Mercado, Isabel Granada, Ynez Veneracion, Aleck Bovick, Jak Roberto, Gerald Santos, Ali Forbes, Joyce Ching, at iba pa.

John’s Point
by John Fontanilla