Bea Binene, nagdurusa sa mga intriga

ADVERTISING

Bea Binene, nagdurusa sa mga intriga

Bea-BinenePARANG TAKOT at maramot naman kasing magsalita ang kampo ni Bea Binene para maipaliwanag niya ang kanyang side, kaya ang nangyayari ngayon ay nagdudusa siyang patuloy na iniintriga tungkol sa diumano’y kanyang kamalditahan. Para nga siyang may sariling mundo, at parang may himig ng katotohanan ‘yung pagiging malayo niya sa kapwa niya mga artista sa GMA-7. Sila lang lagi ng kanyang boyfriend na si Jake Vargas ang laging magkasama.

Para namang kinakaya ni Bea ang maraming intriga tungkol sa kanya, dahil kuntento na siguro siya sa pagtatanggol na ginagawa para sa kanya ni Jake. Aba, kulang na lang ay talbugan ni Jake si Dingdong Dantes sa pagtatanggol nito sa kanegahan ni Marian Rivera. Mukha lang totoy si Jake, pero kapag ininterbyu ang guwapong young actor ay astig siya na buo ang loob para ipagtanggol si Bea, kasi nga, tameme si Binene na ipagtanggol ang kanyang sarili.

Nakakalungkot lang ang nangyayari kay Bea, dahil sa mahabang panahon na hindi niya nakakayang ipagtanggol ang kanyang sarili ay napagbibintangan siya na baka raw marami siyang iniiwasang isyu sa nakalipas na baka makalkal sa ngayon. Isa si German Moreno sa nagtanggol, na hindi pa nagli-live in sina Bea at Jake. Pero hindi naman talaga imposibleng matsismis sila na nagli-live in, kasi nga, hindi na talaga sila nagkakahiwalay.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING