Bea Binene, mas masaya sa paghihiwalay nila ni Jake Vargas

Bea Binene, mas masaya sa paghihiwalay nila ni Jake Vargas

Jake-Vargas- Bea-BineneBAKAS SA mukha ni Bea ang kasiyahan magmula nang magkahiwalay sila ni Jake, tanda na mas nakabuti ang kanilang paghihiwalay dahil mas nabigyan nito ng attensyon ang kanyang career at pagiging producer.

Yes, si Bea ang producer ng indie film na Dinggin na malapit nang ilabas sa mga sinehan.

Seksi at talaga namang mapatitingin ka sa bagong image ngayon ni Bea Binene pagdating sa pananamit.

Magiging ganap na kasi siyang dalaga sa November, kung saan magse-celebrate siya ng kanyang 18th birthday.

Ayon kay Mommy Carina, butihing mother ni Bea, puwede na raw lumabas ang anak na hindi siya kasama kapag 18 years old na ito. At puwede nang ligawan ang anak, pero dapat ay sa kanilang bahay ito mangyayari.

Makalalabas na si Bea na hindi siya kasama, pero dapat ay may kasama itong alalay dahil sa panahon ngayon ay marami pa ring loko.

Habang wala pang serye si Bea ay magiging busy siya sa pagpo-promote ng pelikulang Dinggin.

Ibinuking rin ni Mommy na sangkatutak ang nagbabalak na manligaw sa anak niyang si Bea. Pero mismong ang young star na rin ang nagsabi na pagtutuunan niya ng pansin ngayon ang career bago ang pag-ibig.

Naibalita rin sa amin na makakasama si Bea sa Yagit na idinidirek ni Gina Alajar sa GMA 7. One week siyang mapapanood sa drama serye ng Kapuso sa role na teenager na ibebenta sa foreigner.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo