Bea Binene, mala-aso sa bagong teleserye

Bea Binene, mala-aso sa bagong teleseryeMistulang aso raw si Bea Binene sa kanyang bagong seryeng “Hangang Makita Kang Muli” kaya naman daw very vocal ito sa pagsasabing nahirapan siya nang husto rito.
Bukod nga raw sa mala-aso ang character na ginagampana niya rito, masyado siyang na-challenge na pagbutihan ang kanyang pagganap, lalo na’t kakaiba at first time niyang gagampanan ang ganitong role.
Mabuti na lang daw at nandiyan ang mahusay nilang director na si Laurice Guillen na talaga namang inalalayan at nag-guide sa kanya para magampanan niya nang tama ang kanyang role.
Kabituin ni Bea Binene sa serye sina Derrick Monasterio, ang kanyang bagong ka-love team, at si Kim Rodriguez naman na kanyang magiging kontrabida sa said soap.
Kasama rin sa cast sina Raymart Santiago, Angelika Dela Cruz, Rita Avila, Jak Roberto, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKim Rodriguez, takot ma-bash ng fans ni Bea Binene
Next articleMarion Aunor, hit ang kantang “Free Fall Into Love” na themesong ng pelikulang “Always Be My Maybe”

No posts to display