Bea Binene at Kristoffer Martin, magtatambal sa pelikula

Bea Binene at Kristoffer Martin, magtatambal sa pelikula

Bea-Binene-Kristoffer-MartinMULING MAGTATAMBAL via big screen ang magkaibigan na sina Kristoffer Martin at Bea Binene sa isang pang-filmfest na pelikula na gigiling ang kamera any days from now.
Kuwento nga ni Bea na habang naghihintay pa siya ng bago niyang teleserye sa Kapuso Network, ito munang paggawa ng pelikula ang kanyang pagkakaabalahan.
“Pero may gagawin akong movie na ipapasok sa Metro Manila Film Festival. Sana nga makapasok para may entry ako sa MMFF 2015.

“Hindi ko pa alam kung sinu-sino ‘yung makakasama ko. Ang naririnig ko, baka makasama ko si Kristoffer Martin. Okey sa akin if si Kristoffer ang makakasama ko, kasi kaibigan ko siya at kasa-kasama naming umaakyat ng bundok. Tsaka naka-trabaho ko na rin naman siya nang ilang beses kaya okey na ‘yung working relationship namin.
“Tapos, patapos naman ‘yung movie ko, ako ‘yung nag-prodyus. Hopefully, bago matapos ‘yung summer at bago ko simulan ‘yung isa pang movie ko, tapos na ‘yung prinudyus kong pelikula,” pagtatapos ni Bea.

John’s Point
by John Fontanilla