Bea Binene at Jake Vargas, okey ang working realationship kahit break na

Bea Binene at Jake Vargas, okey ang working realationship kahit break na

Bea-Binene

AFTE MAG-BREAK daw ay hindi pa rin nagkikita si Jake Vargas at ang image model ng VeriFIT Slimming Capsule na si Bea Binene.
Kuwento nga ni Bea sa presscon ng VeriFIT Slimming Capsule na ginanap sa Tweendale Cafe kamakailan, “Sa ngayon hindi pa kami nagkikita, last namin during the promo ng Liwanag sa Dilim.
“Kami naman kasi sa dami na ng times na galit-bati kami, ni minsan hindi naman naapektuhan ‘yung trabaho namin. It’s beacuse pareho naming mahal ‘yung work namin.
“Kaya kahit may mga times na hindi kami okey, pagharap sa camera nagagawa namin ng maganda. Inilalabas kasi namin sa trabaho ‘yung relasyon namin sa isa’t isa.
“Kaya kung makakapagtrabaho kami ulit, walang problema, be professional, kasi trabaho ‘yun,” pagtatapos ni Bea.

Ellen-AdarnaSikreto ni Ellen Adarna sa pagkakaroon ng healthy, fit, and sexy body

VERY SUCCESSFUL ang press and bloggers conference ng NutriRite Cereal Drink na ginanap last February 28, Saturday sa 88 Super Club sa Timog Ave., Q.C. na hatid ng Food Empire Singapore.
Kasabay nito ay ang pagpapakilala ng NutriRite Cereal Drink Brand Ambassador na si Ellen Adarna. Ayon nga ka’y Ellen, ang NutriRite Cereal Drink ang isang rason kung bakit siya physically fit, healthy, at sexy.
Dagdag pa nito, “I’m very excited to be part of NutriRite! I honestly love having it during breakfast or whenever I feel like having a light snack.
“And I don’t feel guilty eating it because it’s low fat. Plus I don’t get that bland taste from other low fat foods,” ani Ellen.

John’s Point
by John Fontanilla