Bea Binene at Jake Vargas, ‘di maitatagong split na

Bea Binene at Jake Vargas, ‘di maitatagong split na

Jake-Vargas-Bea-BineneACTION SPEAKS lower than words. Kahit pagtakpan man ng mga co-stars nina Jake Vargas at Bea Binene ang katotohanan na may “something” na hindi magandang nangyari sa relasyon ng dalawa, halatang-halata ng press last Tuesday sa presscon ng Liwanang sa Dilim ng APT Entertainment na cold treatment na si Bea kay Jake.

Dati-rati kasi, konting kibot lang, relax na relax ang dalawa at pangiti-ngiti pa si Bea. But this time, mukhang totohanan na ang split up ng dalawa dahil sila mismo, hindi masagot nang tama ang mga tanong ng press sa kanila kung sila pa nga.

Maging si Direk Richard Somes, sa kabila ng magagandang tsika about JaBea (Jake-Bea)m, hindi mapagtakpan ang problema ng dalawa.

Not even Sarah Lahbati na kahit pilit i-cover-up ang ang isyu during shooting nila ng “aswang” film, halata rin na pinagtatakpan ang isyung break-up nina Jake at Bea.

Balita nga namin, marami nang nagbago kay Bea since mapabalita na split na sila at si Derrick Monasterio ang diumano ang dahilan.

Knowning Direk Richard na magaling sa pagdi-direk ng mga horror movies (like ko ang trailer); split man sina JaBea, kebs na rin basta ang mahalaga, may bagong katatakutang pelikula na naman akong mae-enjoy come February 11.

Sa Monday, may tsimis kami about Bea and Derrick na kung tagahanga ka ng dalawa, I’m sure kikiligin ka.

Reyted K
By RK VillaCorta