Bea Binene at Jake Vargas, balik-tambalan sa teleserye

ADVERTISING

Bea Binene at Jake Vargas, balik-tambalan sa teleserye

Bea-Binene -Jake-VargasBALIK-TAMBALAN NA naman sina Bea Binene at Jake Vargas. Ito ay sa pinakabagong primetime series ng GMA na Strawberry Lane.

“Nong sinabi sa akin ang tungkol dito, ang tanong ko agad… sa Baguio po ba ang taping? Hindi pala!” sabi ng Kapuso young actress. Sa story, parang nasa isang shelter kami. Tapos iyon ang favorite spot namin do’n sa shelter na ang pangalan ay Strawberry Lane. Pero working title pa lang ‘yon. May possibility na mapalitan pa ito.

“Hindi lang kami ni Jake. Marami po kaming kasama sa cast. Ako, si Jake, si Kim (Rodriguez), si Joyce (Ching), si Kiko (Estrada), si Joana Marie, at saka si Jeric (Gonzales). Actually heart-warming family drama ang tema niya. Gano’n ‘yong story na more on pamilya talaga.”

Matagal din silang hindi nagsama ni Jake sa isang soap. Ano ang puwedeng asahan ng kanilang fans na na-miss ang pagtatambal nila ulit?

ADVERTISING

“Unang-una, i-expect po nila na ‘yong mismong show bilang matagal nilang hinintay… isang taon nilang hinintay iyon, so siguro mai-expect nila na mas gagalingan namin. Lagi naman na kapag may bagong show, padagdag nang padagdag ang expectation kaya mas lalo naming ginagalingan.

“At saka i-expect din nila ‘yong magandang story. Hindi naman sobrang kakaiba ‘yong istorya pero maganda. Heart-warming ‘yong story. Very very feel good para sa mga manonood talaga. Drama. Pero hindi siya ‘yong heavy drama. Maraming mapupulot na aral. Maraming matututunan.At saka ito ‘yong drama na hindi mo alam na umiiyak ka na pala,” sabi pa ni Bea.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING