Bea Binene, itinangging si Jake Vargas ang dahilan ng pagpunta sa Thailand

Bea Binene, itinangging si Jake Vargas ang dahilan ng pagpunta sa Thailand

Bea-BineneMARIING PINABULAANAN ni Bea Binene na kaya siya pumunta sa Thailand ay para tuluyan nang makalimutan ang ex-boyfriend nitong si Jake Vargas.
Tsika ni Bea, wala raw katotohanan ang nasabing balita dahil pumunta raw siya sa Thailand kasama ang kanyang Mommy Carina, stylist, at handler na si Jena para magbakasyon after ng kanyang sunud-sunod na trabaho.
Dagdag pa nito na mahilig daw siyang bumiyahe sa iba’t ibang bansa at first time niyang makapunta sa Thailand na masyado raw niyang na-enjoy at nangakong babalik muli rito.
Sa ngayon daw, balik-trabaho si Bea, kung saan regular itong napanonood sa Sunday All Stars, Vampire Ang Daddy Ko, at Goodnews ng NewsTV 11.

Upgrade Asian Tour ng UPGRADE, magsisimula sa Japan

BOUND TO Japan ang Viva artist/ Internet sensation group na UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Miggy San Pablo, Raymond Tay, Armond Bernas, Rhem Enjavi, Ivan Lat, at Mark Baracael.
Ito ang kauna-unahang Japan show ng UPGRADE  via “Lovely Explosions”, isang benefit show na hatid ng Loyds International Marketing Co. Ltd. ni Lovely Ishii Pineda na magsisimula sa April 11 sa Koriyama Bunka Center, Fukushima; at sa April 12 sa Acros Fukuoka.
Makakasama ng UPGRADE sa Japan shows ang magaling na komedyanang si Rufa Mae Quinto at ang Pinoy Broadway singer/actor na si Mark Bautista.

John’s Point
by John Fontanilla