Bea Binene, irita na ‘bugbugan’ issue nila ni Jake Vargas

ADVERTISING

Bea Binene, irita na ‘bugbugan’ issue nila ni Jake Vargas

Bea-BineneHINDI NA raw natutuwa si Bea Binene sa bugbugan isyu sa kanila ni Jake Vargas. Hindi raw maintindihan ni Bea kung saan nanggaling ang nasabing isyu, eh wala naman daw talagang nangyaring ganoon sa kanilang relasyon.

May mga basher at hater kasi ang dalawa sa social media, na ito ang ginawang sentro ng mga mensahe sa kanilang dalawa. Kung anu-ano mga pinagsasabi ng mga ito sa kanila, samantalang nilinaw na nila na walang ganoong pangyayari sa kanilang relasyon.

Ayon kay Bea, hindi raw siya pinalaki ng kanyang mommy para maging bayolente. Lagi raw niyang kasa-kasama ang kanyang ina sa lahat ng lakad. Normal daw ang relasyon nila ni Jake. Mabait na tao raw si Jake kaya paano raw niya magagawang saktan ito.

Siya raw ang klase ng girlfriend na kapag mayroon silang problema or hindi napagkakasunduan ay kaagad niyang inaayos. Ayaw niyang pinalilipas pa ang kinabukasan para maiwasang lumalala pa ang tampuhan.

ADVERTISING

Pakiusap ni Bea, huwag daw lagyan ng kakaibang anggulo ang kanilang relasyon ni Jake dahil masaya sila at sinisikap daw nilang maging role model sa mga kabataan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING