Bea Binene, ilang taon nang single

ADVERTISING

Bea Binene, ilang taon nang single

Bea Binene
Bea Binene

Until now ay wala pa ring napababalitang bagong nagpapatibok ng puso ang magandang Kapuso actress na si Bea Binene after ng break-up nila ni Jake Vargas, ilang taon na ang nakalilipas.
Maaaring ang isang rason daw dito ay ang pagiging busy ni Bea Binene sa dami ng trabahong kanyang ginagawa sa ngayon. Dahil bukod nga sa mga regular show nito like “Hanggang Makita Kang Muli” at “Good Vibes” sa NewsTV, may negosyo pa itong inaasikaso.
Dahil nga maganda ang outcome ng kanyang bag business, mas dobleng pagtutok ang ginagawa ni Bea sa ngayon dito, kasama ng kanyang business partner na isang malapit na kaibigan nito.
Dagdag pa riyan ang mga mall at out-of-town show nito at guestigs sa iba’t ibang shows ng GMA 7. Bukod pa sa ayaw raw nitong tumutok sa lovelife at mas gusto raw nitong gugulin ang kanyang oras sa trabaho at sa kanyang pamilya.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING