Bea Binene, ibang sorpresa ang ibinigay sa birthday ni Jake Vargas

ADVERTISING

Bea Binene, ibang sorpresa ang ibinigay sa birthday ni Jake Vargas

Jake-Vargas-Bea-BineneBIRTHDAY NI Jake Vargas last Wednesday, July 9. At masaya na raw ang young actor na nagkaroon ng isang simpleng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya.

ADVERTISING

“Sa bahay lang kami. Nando’n lahat ng mga kamag-anak ko,” sabi ng aktor. Masaya na kami kahit gano’ng simpleng celebration lang. Na may konting kainan na nando’n din ‘yong mga pamangkin ko. Okey na ako sa gano’n. Masaya na ako.”

Wala raw ang girlfriend niyang si Bea Binene sa simpleng birthday celebration niya with his family.

“Si Bea kasi, sinurprise niya ako, e. Iba ‘yong ginawa niya sa akin. Binigyan niya ako ng cake. Tapos ‘yong surprise na sobrang ano… nakaka-touch sa damdamin. Kasi first time ko ring maka-experience ng gano’n na… girlfriend ko siya tapos isu-surprise niya ako. “Na… pagdating ko, inaway niya pa ako, e,” natatawang kuwento pa ni Jake.

ADVERTISING

“Hindi ko alam ‘yong… ginudtime niya ako. Sa isang lugar na… ayon, sinurprise niya ako. Nangyari iyon bago ang mismong araw ng birthday ko. Sa isang lugar sa Morato (Quezon City). Kumain kami. At masaya na ako do’n sa ginawa niya. Sobrang malaking gift na iyon para sa akin.”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING