Bea Binene, hinihiram si Alden Richards sa AlDub fans nang isang gabi

ADVERTISING

Bea Binene, hinihiram si Alden Richards sa AlDub fans nang isang gabi

Bea-BineneGUSTO SANA ni Bea Binene na si Alden Richards ang maging first dance niya sa kanyang 18th birthday sa Manila Hotel on November 3, kung sakaling hindi raw makarating ang kanyang ama.

Ayon kay Bea, hindi pa raw niya sigurado kung makararating ang ama. Wala pa raw kasing kumpirmasyon kung darating ang kanyang ama.

“Siyempre, gusto ko naman on that day ay kumpleto ang pamilya namin, ‘di ba? Pero if ever nga na hindi makarating si daddy, si Alden ang sinabihan ko na maging first dance ko. Hindi pa naman nagko-confirm si Alden, kasi sobrang hectic ng schedule niya. Kapag nakarating siya, siya ang magiging first dance ko.”

Matagal na raw silang magkaibigan ni Alden. Nagsimula ang pagkakaibigan nila nang magsama sila sa Tween Hearts at Tween Academy.

ADVERTISING

Kaya naglalambing si Bea sa AlDub Nation na pagbigyan siyang makasayaw si Alden sa araw ng kanyang debut.

“Debut ko naman, ‘di ba?” nakangiting say ni Bea. “Kaya birthday gift na rin ng fans ng AlDub ang payagan si Alden to be my first dance.”

Alam kasi ni Bea kung gaano ka-protective ang fans nina Alden at Yaya Dub. ‘Di nga ba napag-initan ng ilang AlDub fans si Kris Bernal nang magpost ito ng photo nila ni Alden na magkasama sa isang show.

“Kaya nga inunahan ko na sila ng lambing, eh. Birthday ko naman at isang gabi lang naman iyon. Hindi ko aagawin si Alden kay Yaya Dub, promise,” say ni Bea.

Makasasama rin si Alden sa 18 roses kung saan kasama rin ang ilang Kapuso actors na sina Kristoffer Martin, Ken Chan, Miguel Tanfelix, Enzo Pineda, Jeric Gonzales, Julian Trono, Paul Salas, Rodjun Cruz, Rafa Siguion-Reyna at Derrick Monasterio.

Ang kasama naman sa 10 candles ay sina Winwyn Marquez, Glaiza de Castro, Krystal Reyes, Louise delos Reyes, Aicelle Santos, Cata Tibayan, at Barbie Forteza.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING