Bea Binene, dumami ang manlilgaw nang mapabalitang break na kay Jake Vargas

Bea Binene, dumami ang manlilgaw nang mapabalitang break na kay Jake Vargas

Bea-BineneAFTER MAGBAKASYON ng ilang araw sa Thailand at makapagpahinga ay balik-trabaho na ang GMA prime artist na si Bea Binene via Yagit, kung saan nagkaroon ito ng guest role.
Bukod nga sa Yagit, meron pa itong tatlong regular shows, ang Sunday All Stars, NewsTV’s Goodnews, at Vampire Ang Daddy Ko. Bukod pa rito ang kanyang mga mall, provincial at out of town shows.
Balita nga namin, simula nang lumabas ang balitang break na sila ni Jake Vargas, mas dumami ang nagpaparadam kay Bea. Pero deadma lang daw ito at mas gustong pagtuunan ng pansin ang trabaho kaysa magkaroon ng panibagong lovelife.
Past daw muna ngayon sa pagkakaroon ng lovelife si Bea at igugugol muna ang kanyang oras sa mga trabahong kanyang gagawin, kasama ang kanyang pelikulang siya mismo ang nag-produce at bida.

Joel-Cruz-TwinsKambal ni Joel Cruz, pareho nang modelo


“CUTEST TWINS!”
Ito ang tawag ni Ruffa Guttierrez sa kambal na anak ng tinaguriang Lord of Scent na si Sir Joel Cruz na sina Prince Sean at Princess Synne na parehong rumampa sa katatapos na Love Colllection 2 ‘s VIP Party and Fashion Show .
Biba at bibo ang kambal na hindi man lamang kinakitaan ng pagkamahiyain habang rumarampa sa harap ng maraming tao.
Proud daddy si Sir Joel na sobrang saya habang pinapanood na rumarampa ang kanyang kambal. Halos lahat nga ng nakapanood ng nasabing fashion show ay talaga namang nakyutan kina Prince Sean at Princess Synne.
Kuwento nga ni Sir Joel na sobrang saya raw niya habang pinagmamasdan ang kanyang mga anak na nag-e-enjoy sa kanilang ginagawa. Kaya nang matanong ito kung papayagan ba niya ang kanyang kambal na mag-artista o mag-TV commercial, mabilis nitong sinagot na bakit naman daw hindi kung gusto ng kanyang mga anak. Basta ‘wag lang daw pababayaan ng mga ito ang kanilang pag-aaral.

John’s Point
by John Fontanilla