Bea Binene, ‘di raw big deal ang pag-partner ni Jake Vargas kay Julie Anne San Jose

ADVERTISING

Bea Binene, ‘di raw big deal ang pag-partner ni Jake Vargas kay Julie Anne San Jose

Bea-BineneHINDI RAW issue sa teen actress na si Bea Binene kung sa iba naman ipapareha ang kanyang ka-loveteam at ex-boyfriend na si Jake Vargas na maugong ang tsikang si Julie Anne San Jose naman ang makapapareha sa next teleserye ng GMA 7.
Tsika nga ng very talented na young star, mas maganda nga raw na ipinapareha sila sa ibang artists ng GMA para naman daw maiba at ma-experience nila ang makatrabaho ang iba pang mga artista.
Katulad na nga lang daw ng pelikula nitong gagawin at pagbibidahan nila ng kanyang kaibigan na si Kristoffer Martin na intended for Metro Manila Film Festival.
At habang naghihintay ng kanyang next soap ay ang paggawa raw muna ng pelikula ang pagkakabisihan ni Bea, bukod sa kanyang mga regulars shows like Sunday All Stars, Vampire Ang Daddy Ko, at Goodnews sa NewsTV 11.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING