Bea Binene, ‘di kayang magsuot ng kamison; naudlot ang launching drama series

ADVERTISING

Bea Binene, ‘di kayang magsuot ng kamison; naudlot ang launching drama series

Bea-BineneNAUDLOT ANG launching drama series sana ni Bea Binene sa GMA 7 sa pagpasok ng year 2014 dahil ibinigay na kay Kim Rodriquez ang Paraiso Ko’y Ikaw. Kay Bea sana ang soap opera na kukunan sa labas ng Metro Manila, pero nagdesisyon nga ang Kapuso Network na ibigay ang role kay Kim.

Pero walang galit or tampo si Bea sa nangyari. Ayaw raw niyang masalang sa triangle kina Joyce Ching at Kristoffer Martin na kasama rin sa nasabing project. Nakikita raw ni Bea na aawayin siya ng fans ng dalawa kapag ila-loveteam siya kay Kristoffer.

Saka, hindi pa raw siya handa sa character ng lead female star na kung saan kailangan niyang magsuot ng nakamison lang.

Naniniwala pa rin si Bea na may maganda at mas malaking project na darating pa para sa kanya. Mayroon pa naman siyang show sa GMA 7, ang Vampire ang Daddy Ko at Sunday All Stars.

ADVERTISING

Pagdating naman sa lovelife, okey at msaya siya sa piling ni Jake Vargas. This time daw ay kapwa na raw sila nag-mature ni Jake.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING