Bea Binene, ‘di imbitado si Jake Vargas sa debut

ADVERTISING

Bea Binene, ‘di imbitado si Jake Vargas sa debut

Bea-BineneWALA RAW balak imbitahin at mapasama sa 18th Roses sa nalalapit na debut ng GMA 7 prime teen actress na si Bea Binene na magaganap sa Nobyembre ang ex-boyfriend nitong si Jake Vargas.
Selected friends from showbiz at non-showbiz lang daw ang makasasama sa engrandeng debut ni Bea. Bukod sa mga naging director at mga big boss ng GMA 7.
Wala ngang announcement kung sino ang magiging last dance ni Bea sa araw ng kanyang kaarawan at ‘yan daw ang dapat abangan ng lahat. Sa ngayon daw, nagsisimula na ang preparasyon sa engrandeng selebrayon ng kaarawan ni Bea.
Sheryl-Cruz Sheryl Cruz, bound to Brunei

ADVERTISING

LILIPAD PATUNGONG Brunei ang singer/ actress/ composer/ businesswoman na si Sheryl Cruz para mag-perform sa kaarawan ng isang malapit na kaibigan na naka-base na sa Brunei.
Ka-join ni Sheryl na mag-perform sa Brunei ang kanyang kaibigang si Tina Paner, pinsan na si Sunshine Cruz, at iba pang Pinoy artists.
Pero hindi raw magtatagal sa Brunie si Sheryl dahil may taping ito ng kanyang top-rating soap na Buena Familia, bukod pa sa meron din itong inaasikasong negosyo.

AficionadoSelebrayon 15th year ng Aficionado Germany Perfume, mabituin

NAGING MABITUIN ang pagseselebra ng 15th year ng Aficionado Germany Perfume na ginanap sa LZF Building, Timog Ave., Quezon City na may temang MTV Music Awards Night last September 16, 2015.
Pinangunahan ito nina Pres. Joel S. Cruz, Nanay Migaros Cruz, Remar de Leon (Sr. Vice President), Ernie Laurente (Vice President for Operations), Lambert Lopez (General Manager), Avic Cruz (Marketing Manager), at Vanessa Cruz (Corporate Events Manager, over-all in charge of the Anniversary Celebration) with the help of Jun Villaver (Corporate Events Staff).
Ilan sa mga celebrities na dumalo at nakisaya sina Sarah Geronimo, Jason Abalos, Teejay Marquez, XyriIle Manabat, Bugoy Cariño, Upgrade na nagbigay ng isang awitin, at Erich Gonzales na pare-parehong endorsers ng Aficionado Germany Perfume. Dumating din ang Harana Prince na si Michael Pangilinan kasama si Kuya Jobert Sucaldito at Richard Pinlac.
Naging part ng selebrasyon ang paglalaban-laban ng bawat department ng Central Affirmative Company Inc. makers of Aficionado Germany Perfume, kung saan tinanghal na champion ang grupo ng planta na tumanggap ng 20k. Nagkaroon din ng raffle draw, kung saan ang grand price ay 15k na natanggap ng 12 employees.
Tumanggap din ng award with matching regalo ang ilang employees ng Central Affirmative Company Inc. na umabot ang serbisyo nang 5, 10, at 15 years.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING