Bea Binene, deadma kung may bago bang GF si Jake Vargas

ADVERTISING

Bea Binene, deadma kung may bago bang GF si Jake Vargas

Bea Binene, deadma kung may bago bang GF si Jake VargasHindi raw issue kay Bea Binene kung may iba nang girlfriend ang ex niyang si Jake Vargas na ipinost ng binata kamakailan sa Instagram.
Tsika nga ni Bea Binene, “Hindi na issue ‘yun, sobrang tagal na wala na kami. Karapatan naman ni Jake Vargas na maging masaya, kaya happy ako for him.”
Samantalang sarado naman daw ang puso ni Bea patungkol sa pag-ibig dahil mas priority nito ang trabaho at ang school.
“Pahinga muna at wala akong time diyan. School at trabaho muna ang focus at hindi lovelife. Mas maganda na rito muna ako tumutok para lahat ng oras ko, nandito lang. And siyempre, sa pamilya rin.”
Masaya nga raw si Bea sa kanyang bagong trabaho, ang “Hangang Makita Kang Muli”, dahil very challenging ang kanyang role, kung saan sobrang hirap daw ng character na kanyang ginagampanan dito.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING