Bea Binene at Derrick Monasterio, magsasama sa isang afternoon serye

ADVERTISING

Bea Binene at Derrick Monasterio, magsasama sa isang afternoon serye

Derrick-Monasterio-Bea-BineneMAGSASAMA RAW sa isang panghapong teleserye ang magkaibigang Bea Binene at Derrick Monasterio sa pagpasok ng 2016.

Parehong matagal-tagal ding nabakante sina Bea at Derrick sa paggawa ng teleserye sa Kapuso Network, lalo na si Bea na halos mag-iisang taon nang naghihintay na mabigyan ng serye after ng Strawbery Lane.

Mabuti na nga lang daw at parehong merong regular TV dhows ang dalawa, kung saan magkasama ang mga ito sa Vampire Ang Daddy Ko, samantalang may sarili namang lifestyle/ magazine show sa NewsTV 11 si Bea, ang Legally B at kasama rin ito sa Good News with Vicky Morales na napanonood din sa NewsTV 11.

Paniguradong magiging happy ang kani kanilang loyal supporters, dahil sa tagal ng kanilang paghihintay ay mapanonood na nilang muli sina Bea at Derrick sa isang teleserye.
 

ADVERTISING

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING