Bea Binene, 10 ft. ang taas ng debut cake

ADVERTISING

Bea Binene, 10 ft. ang taas ng debut cake

Bea-Binene-Pinky-FernandoANG VERY generous na si Tita Pinky Fernando ang gagawa ng bonggang birthday cake para sa debut ng Kapuso Prime Artist na si Bea Binene na gaganapin sa November 3 sa makasaysayang Manila Hotel.

ADVERTISING

Ala-chandelier daw ang cake design na gusto ni Bea para sa kanyang engrandeng kaarawan at ito ay may taas na 10 feet at kulay puti.

Kumpleto na raw ang lahat ng detalye sa magiging debut of the year na ilang araw na lang ang hihintayin at araw na ng debut ni Bea.

Japan trip daw ang gustong regalo ni Bea. Isa raw kasi ito sa bansang gustung-gustong puntahan ni Bea at dito ay isasabay na rin niya ang taping ng kayang NewsTV lifestyle magazine show na Legally B na napanonood tuwing Sabado ng 10:30 am.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING