Bea Alonzo’s love advice to Francine Diaz: ‘Respect Yourself’

DUMARAMI na ang mga celebrity vloggers na nagco-collaborate para ma-enganyo ang fans ng isa’t isa na manood at magsubscribe sa kani-kanilang channel.

Kahit wala na sa Kapamilya network si Bea Alonzo ay nakapagbonding pa rin ito with Francine Diaz na isang Star Magic artist. Kung last week ay napanood natin si Francine na sumalang sa lie detector test paandar ni Bea, ngayon naman ay ang ‘Never Have I Ever’ challenge ang ginawa ng dalawa sa vlog channel ni Francine.

Bea Alonzo's love advice to Francine Diaz: 'Respect Yourself'
Bea Alonzo and Francine Diaz

Sa nasabing vlog ay humingi rin ng love advice si Francine sa iniidolong artista, na openbook naman ang colorful history (not tsismis) ng kanyang buhay pag-ibig.

“Just keep it real and take it easy. Don’t play games. I don’t like that. ‘Pag nagpahabol ka ta’s gustong-gusto mo naman ‘yung tao, you may send a wrong message na baka ‘di mo siya gusto. Hindi mo nirerespeto pagkatao niya,” payo ni Bea sa mas nakababatang aktres.

Aminado si Bea na at some point ay nawala ang kanyang self-respect habang siya ay nasa isang relasyon.

“That’s what I lost before. I have learned from that experience. You always have to set your boundaries kung saan ka na hindi nirerespeto. At kailangan lagi mong kilala ‘yung sarili mo at may tinitira ka sa sarili mo kapag nagmamahal ka,” dagdag pa ni Bea.

Pinayuhan din ni Bea si Francine na huwag magpapadala sa peer pressure pagdating sa pakikipagboyfriend.

“There will come a time na darating din ‘yung tao na para sa ‘yo na gugustuhin ka at ilalagay ka sa pedestal.”

Pagdating naman sa ‘ghosting’: “Mali ‘yun. Masakit ‘yun. Be man or woman enough to at least break up. Alam mo ‘yun? To say goodbye. Kasi sana nirerespeto mo rin ‘yung tao kapag iniiwan mo. ‘Yun lang naman ‘yun. Bigyan mo ng respeto ‘yung relasyon ninyo,”

“Be brave enough to say goodbye. Kaya ‘wag tayo ‘dun sa mga duwag magpaalam. Ginusto mo ‘yun eh, ‘wag kang duwag.” makahulugang payo ni Bea.

Hugot pa rin ba mula sa failed relationship with Gerald Anderson? Teehee.

Now, we wonder kung in a relationship na ba si Francine Diaz? Tanong natin si Seth Fedellin? He-he-he…

Previous articleNadine Lustre opens up about her boyfriend Christophe Bariou
Next articleBela Padilla, binalikan ang kanyang big move sa Europa