Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, totoong break na

ADVERTISING

 alt=

Zanjoe-Marudo-Bea-AlonzoIbibalita ni Ogie Diaz sa kanyang radio program sa DZMM kahapon, Sabado, January 16, na totoong hiwalay na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Kinumpirma raw ito ng mga sources na malalapit mismo sa dalawa.

ADVERTISING

Nitong nagdaang Kapaskuhan, magkahiwalay na nagbakasyon sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Sa London at Paris nagpunta si Zanjoe, habang sa Japan naman nagbakasyon si Bea.

Kapansin-pansin ding sa kanilang Instagram accounts, matagal nang hindi nagpo-post ng mga litratong magkasama ang dalawa.

Noong nakaraang taon, parehong inamin nina Bea at Zanjoe na dumaraan sa pagsubok ang kanilang relasyon, at sinusubukan umano nilang ayusin ang kanilang problema. Base na rin sa mga nakaraang interbyu sa kanila,tila naayos naman nila ang kung anumang gusot sa kanilang relasyon.

ADVERTISING

Hanggang sa umugong nga ang tsismis na tuluyan nang hiniwalayan ni Bea si Zanjoe.

Pinag-uusapan din ngayon na nagkaka-develop-an naman sina Bea at John Lloyd Cruz, na hiwalay na rin umano kay Angelica Panganiban.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING