Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, nagkakalabuan na?

Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, nagkakalabuan na?

Bea-Alonzo-Zanjoe-MarudoLAGI NA lang may usok ng balita na nagkakalabuan ang relasyon nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Ilang beses na rin namang nabalita na parang hindi sila okey, pero pareho din naman nilang pinabubulaanan ang mga nasabing tsismis, at nakikita rin naman ng mga kakilala nila sa showbiz na okey naman sila, kaya walang problema kung gano’n. Pero itong huli, hayan na naman at pabulong na pinag-uusapang hindi na sila okey.

Kapag naghiwalay sila nang matahimik, hindi na rin iyon bago. Ang pagkakapareho kasi ng mga ugali nina Bea at Zanjoe, hindi sila ‘yung tipo ng mga artista na sabik sa intriga para lang mapag-usapan. Si Bea ay ilang mahabang pakikipagrelasyon na sa nakalipas ang nauwi sa hiwalayan, at hindi siya halos nagsasalita habang bago pa lang ang hiwalayan. Nagsalita na lang siyang pahapyaw nu’ng kaya na talaga niyang magbanggit, pero konting-konti lang, dahil hindi nga siya mahilig bumabad sa mga isyung puwedeng maging malaking intriga.

Maging si Zanjoe ay tahimik din naman lagi kapag nagkakaroon ng relasyon na nauwi sa hiwalayan, tulad noon nila ni Mariel Rodriguez. Hindi kasi showbiz ang ugali ng matangkad na actor, kaya konting-konti lang din ang nasabi niya tungkol sa hiwalayan nila ni Mariel. Pakiramdaman na lang ‘yan. Kapag hindi na kinikilig pareho sina Bea at Zanjoe kapag nababanggit ang kanilang mga pangalan, hintayin na lang din na pahapyaw nilang sabihin kung ano talaga ang totoo tungkol sa diumano’y pagkakalabuan nila ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista