Bea Alonzo umalis na sa Star Magic

Leo Bukas

WALA NA sa pangangalaga ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN si Bea Alonzo. Ito ang kinumpirma ng network sa inilabas nilang official statement nitong Huwebes, Nov. 26.

Si Shirley Kuan na manager ni Albert Martinez ang bagong manager ngayon ni Bea.

Narito ang official statement ng ABS-CBN sa ginawang pag-alis ni Bea sa Star Magic.

Bea Alonzo umalis na sa Star Magic
Bea Alonzo

“After a series of consultations, Bea Alonzo has decided to pursue her professional goals under a new talent management. Bea has subsequently advised ABS-CBN that she has appointed Ms. Shirley Kuan to represent her as manager. We respect her decision,” simulang bahagi ng statement.

“ABS-CBN has full confidence that Ms. Kuan, an industry veteran, will manage Bea with the same attention and care that Star Magic has devoted to Bea’s professional career. Star Magic is coordinating with Bea and her new management to ensure a smooth and seamless transition,” dagdag sa statement.

Sinigurado naman ng ABS-CBN na kahit wala na sa Star Magic ang aktres ay mananatili pa rin itong Kapamilya.

Nagsimula ang career ni Bea sa Star Magic noong 2002. Nakilala siya sa mga teleseryeng It Might Be You, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Maging Sino Ka Man atI Love Bea La Fea.

Bumida rin si Bea sa ilang mga Star Cinema hit movies kapartner si John Lloyd Cruz.