Bea Alonzo, tinalakan ng caterer sa social media!

ADVERTISING

Bea Alonzo, tinalakan ng caterer sa social media!

Bea-AlonzoTUMALAK SA social media ang isang caterer laban kay Bea Alonzo. Inilabas ng Fashion Pulis ang posts ng caterer recently na sa pagkakaintindi naming ay pinalayas yata sa taping ng show ni Kris Aquino.

ADVERTISING

“Get out of there!” the caterer posted. ‘Yan yata ang sigaw ni Bea sa kanya.

She retorted by saying “I can’t because Kris Aquino wants me here.”

“But I swear, this bitch is on my shit list. I’m pissed now. She came up to me and said for me not to use my macarons and proceeded to hand me a EFFIN TWG box. How tactless. I’m now in the dirty kitchen playing a tuna tartare salad which I pray will pack on another few more pounds in her sorry fat ass,” kuwento pa ng hitad na caterer.

ADVERTISING

To the rescue raw sa kanya si Kris. “Well, I stayed and was surprised because Kris asked me to get on camera. I just don’t like what Bea and her mother did to me. Kris was my savior and made my experience far better than when I arrived.  Thank goodness for that!” post niya.

Did this really happen? Para kasing hindi capable si Bea na gawin ito sa isang caterer. In the few times that we saw her, she’s prim and proper at parang hindi marunong magalit. How will Bea react on this?

Baka naman meron ginawa ang caterer kaya siya ginano’n ni Bea? Alangan naman kasing mag-inarte na lang nang basta-basta si Bea kung wala siyang ginawa, ‘di ba?

 

LA FAVORITA pala ni Tinna Bonifacio si Kitkat. On three occasions kasi, while preparing for the contents of the magazine she was writing for ay ipinagsiksikan daw ni Tinna ang komedyante.

Noong una, nagwagi siya dahil lumabas ang article about Kitkat. Nong pangalawa, she won again, when an article was published about the comedienne. They say it comes in threes but it didn’t happen kasi me pumalag.

Bea-AlonzoMay nakapansin kasing parang buwan-buwan na lang ay merong Kitkat article. Ayun, hindi na natuloy ang third article about Kitkat.

Nagtataka ang friend namin kung ano ang meron si Kitkat at ganoon na lang siya i-please ni Tinna.

Ano nga ba? Is she your friend or your client? Pakisagot nga! Teka, alam ba ito ng StarStudio magazine?

Ang daming celebrity friends ni Tinna sa Twitter. Naloka na lang kami nang minsan siyang magparinig na she wants to eat fruitcakes. Meron yatang nakapansin sa kanyang ‘panawagan’ kaya naman dali-dali itong nagpadala ng fruitcake.

 

GRETCHEN BARRETTO did not mince words when she lambasted her mom Inday Barretto.

Talagang walang takot na ibinunyag ni La Greta ang mga sikreto ng pamilya. Obviously, she wants the public to know the kind of mom she had.

Kaya lang, sa kanyang ginawa ay marami ang na-turn off sa kanya. Marami ang nainis, naimbiyerna, naasar. Come to think of it kasi, matanda na ang madir ni La Greta. Sana ay iginalang na lang niya ang edad nito. It was as if she was fighting against a woman her age.

Marami ang na-turn off sa aktres. Ang ganda-ganda nga naman niyang tingnan pero ang lumalabas naman sa kanyang bunganga ay hindi kagandahan. Imagine, kalabanin mo ang iyong ina publicly?

Nakakaloka ang last word ng aktres laban sa kanyang ina. She said, “May kasabihan na ang kakambal ng sinungaling, magnanakaw.”

Tanong lang namin kay La Greta, siya ba ay hindi kailanman nagsinungaling in her life?

Marami ang nagsasabi na sana ay hindi na lang inaway ni La Greta ang kanyang madir publicly. Hindi kasi magandang tingnan. Sa kanyang ginawa ay nabawasan nang malaki ang ganda factor niya. At yoon ay dahil sa galit, matinding poot sa inang nagsilang sa kanya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING