Bea Alonzo, sumeksi sa kanyang pagpayat

ADVERTISING

Bea Alonzo, sumeksi sa kanyang pagpayat

Bea-AlonzoANG PAYAT ni Bea Alonzo nu’ng huli naming makita sa dressing room ng ASAP Live kahapon kaugnay ng kanyang birthday celebration. Juice ko, ang seksi niya talaga at lalong gumanda. Habang tinititigan namin siya ay para lang kaming nananalamin. Charot.

Anyway,  tuwang-tuwa si Bea dahil umabot na sa 100M mark ang total gross ng She’s The One movie niya with Dingdong Dantes, Enrique Gil at Liza Soberano, kaya nangangamoy victory party at bonus na ito pagkatapos ng Undas, alam na.

Me chemistry naman kasi sila ni Dingdong at gayundin sila ni Enrique, kaya super kilig sa kanila ang mga tao. Isang revelation pa rito si Liza Soberano na me mga nagpi-pm pa sa amin sa Facebook na mga barako na baka puwedeng i-date si Liza.

Hahahaha! Isang senyales ito na malakas ang appeal ng bagets talaga sa mga kalalakihan.

ADVERTISING

 

Sa harap ng madlang pipol: Character actress at kapatid ng newscaster, todo-laplapan sa isang event!

Bea-Alonzo

BLIND ITEM: Na-shock ang isa naming friend, dahil kitang-kita raw niya sa isang event ang pagpi-PDA ng isang character actress sa ka-date nitong guwapong kapatid ng isang newscaster.

Kesyo laplapan to death daw talaga. Walang hiya-hiya. Kulang na lang daw ay maghubaran ‘yung dalawa para mairaos na ang init ng mga naghihinang nilang katawan nu’ng gabing ‘yon.

“Sana man lang, hinintay na nilang matapos ‘yung event o kaya eh, hindi na nila tinapos kung gusto talaga nilang mag-sex. Eh, ‘di diretso na sila sa motel o hotel para ayos na ang buto-buto. Hindi ‘yung halos lahat ng tao, nakatingin sa ginagawa nilang lampungan, nakakalokah.

“Eh, sila naman, wa care sa paligid, basta ubusan sila ng laway, gano’n.”

Eh, baka gano’n nga talaga kung ipagbanduhan sa publiko na sila na o fukcing buddy sila. “Pero Papa O, ‘pag disente kang babae, hindi mo naman hahayaang mangyari ‘yon.”

Eh, lasing ba?

“‘Yun na nga. Kaso, dapat bang i-justify na kaya nangyari ‘yon eh, dahil lasing sila pareho?”

Hay, nako… anyway, ang initials ni Character Actress ay tatak ng isang propesyong nilalapitan ng mga tao kapag gusto nilang sumiglang muli.

Samantalang ang initials ng lalaki ay ex-husband ito ng isa ring TV personality at kung hindi pa kayo sure eh, igala n’yo ang tingin n’yo sa pader ng bahay n’yo. Tapos, ‘pag me nakita kayong gagamba, doon n’yo itanong kung kilala niya ang guy.

 

NGAYONG LUNES na ang Honesto pagkatapos ng TV Patrol. An’dami nang nag-aabang nitong bagong napapanahong teleserye.

Dito ay hindi ituturo, kungdi ipaaalala lang ni “Honesto” o ng gumanap na si Raikko na maging tapat sa lahat ng pagkakataon, dahil ‘pag nagsinungaling ay may katapat na parusa o karma.

Tulad na lamang ni Honesto na sa tuwing magsisinungaling ay lumalaki ang kanyang ilong.

Kaya sana, panoorin ito ng mga bata, lalo na ng mga pulitiko para magsilbing gabay nila na ang tunay at tapat na paglilingkod ay may kaakibat na regalo mula sa Panginoon.

Teka, si Janet Lim Napoles ba, madalas magparetoke ng ilong?

 

Kung may time kayo, basa-basa naman kayo ng mga emote ko sa www.ogiediaz.net at ugaliing makinig tuwing Sabado, 9-10pm sa “OMJ” showbiz program namin ni MJ Felipe sa DZMM Teleradyo at mapapanood din sa SkyCable Ch. 26 at Destiny Cable Ch. 25.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING