Bea Alonzo, sinagot ang isyu ng pagbubuntis

ADVERTISING

Bea Alonzo, sinagot ang isyu ng pagbubuntis

Bea-AlonzoNASA JAPAN na yata halos lahat na mga kilalang artistang nagbakasyon, pero hindi pa rin sila nakaligtas sa mga intriga, ha!

Doon na rin sinagot ni Bea Alonzo ang kumalat na intrigang buntis daw ito.

Nagsimula lang ‘yan sa blind item na obvious na siya ang tinutukoy. Dati, dedma lang siya, pero sinagot na rin niya sa Instagram account niya ang intrigan ‘yan.

Sabi niya: “Still enjoying Sakura viewing here in Japan. Siguro naman ‘di namin ma-enjoy talaga ang bakasyon at ang ganda ng bansang ito kung papansinin namin ang katawa-tawang chismis. Sayang ang pamasahe!

ADVERTISING

“The RUMOR of me being pregnant is NOT true!!

“May we all have a meaningful and peaceful week. Let’s all go back collecting good vibes and happy memories. #notpregnant”

O, ‘di ba? ‘Kala mo knows  ko naman ‘yan mga nasa Instagram na ‘yan. Siyempre, pinasa lang sa akin ng mga bakla ‘yan!

Pero sa totoo lang, kung sakaling nabuntis nga si Bea, ano naman? Nasa tamang edad na rin naman siya. Siguro okay lang na magka-baby na sila ni Zanjoe Marudo. Puwede na rin naman silang magpakasal na, di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING