Bea Alonzo sa lovelife ngayon: ‘Nakakahiyang paulit-ulit magkamali

Leo Bukas
NAKABALIK NA ng Pilipinas ang aktres na si Bea Alonzo pagkatapos ng halos isang buwan niyang pagbabakasyon sa Amerika. Kasalukuyang nasa 10-day mandatory quarantine si Bea bilang pag-iingat.

Kasama ni Bea sa US ang rumored boyfriend na si Dominic Roque. Umalis si Bea ng bansa pagkatapos i-announce ng GMA-7 na she is officially a Kapuso sa pamamagitan ng isang digital media conference.

Bea Alonzo sa lovelife ngayon: 'Nakakahiyang paulit-ulit magkamali
Bea Alonzo with Dominic Roque

Habang nasa US ay panay ang post ni Bea ng mga larawan nila ni Dominic habang namamasyal sa Napa County, Yosemite National Park at sa iba pang lugar sa Amerika.

“ANG ganda kasi ng (mga) pictures, nakakapanghinayang na hindi i-share,” sabi ni Bea Alonzo sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA-7.

Kahit magkasama sa ang dalawa sa Amerika ay wala pa ring pormal na pag-amin mula sa kanilang kampo na sila ay magkarelasyon. Ang tanging paliwanag lang ni Bea kung bakit ngayon lang siya nag-share tungkol sa buhay pag-ibig niya ay dahil gusto raw niyang maging maingat ngayon.

“To be honest it wasn’t as if like masyado kong pinlano, or masyado akong nag-hold back it just came out naturally. And alam ko na prior sa posting marami ng haka-haka ang mga tao, actually maraming nagtatanong.

“It’s not like I’m trying to hide it. I think I was trying to be careful kasi given my past experience, siyempre gusto kong masiguro muna kung saan pupunta  bago gawing official o public.

“Sabi nga we only live once and happiness is best when shared and I want to share my happiness and I appreciate that they’re happy for me kasi nga naiintindihan kung saan ako nanggagaling, kung saan ako ngayon at kung saan ko gustong pumunta.

“I am happy  that everything so light, everything so celebrated, gusto kong i-celebrate about my life, these current things nahihiya akong sabihin — my lovelife,” lahad ni Bea.

Patuloy ng aktres,  “Masyado akong careful, I’m afraid na magkamali in front of public, kasi unang-una masakit. At pangalawa nakakahiyang paulit-ulit magkamali, pero naisip ko naman na ganu’n ang buhay dahil choices ko rin, I chose that person.

“Ganu’n talaga ang buhay nagkakamalik ka bumabangon ka and you learned from your mistakes and you move on pag nagkamali ka ulit at least you tried.

“Eversince naman hindi ako masyadong open sa past relationship ko, I think ang most treasured moments ay ‘yung mga hindi nasi-share sa social media and I wanna keep it that way.”

Previous articleMura matiyagang nagsasaka sa Bicol para maitaguyod ang pamilya
Next articleKPOP ALBUM REVIEW: Empathy by D.O. of EXO (Kyungsoo)