Bea Alonzo, puring-puri ni Susan Roces

ADVERTISING

Bea Alonzo, puring-puri ni Susan Roces

Bea-Alonzo-Susan-RocesHINDI NA bago ‘yung ang mga katulad nina Susan Roces at Dina Bonnevie ay magbigay ng papuri sa pagiging artista ni Bea Alonzo, gaya ng mga sinabi nila tungkol sa bida ng teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ng DreamScape Entertainment Television. Kasi nga, sa panahon ng mga teleserye, isa si Bea sa mga artistang nagbibida na nakagigiliwan ng mga kapwa niya artista, dahil aminado sila na nanonood din sila ng teleserye.

Hindi mahilig pumuri si Susan sa mga kabataang artista kung hindi iyon totoo, kung papaanong kapag may mga kabataang artistang hindi propesyunal sa trabaho ay isinusumpa rin niya na ayaw na niyang makasama ulit sa trabaho kailanman. D’yan maipagmamalaki ng Star Magic at ABS-CBN si Bea. Kailanman at saanman, si Bea ang tipo ng kanilang artista na pinanghahawakan ang pagiging Kapamilya star. Kaya nga siya na ang sumunod sa pagrereyna sa teleserye nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto.

Kapuri-puring Kapamilya star si Bea. Hindi siya ang tipo ng artista na hahayaang masangkot ang sarili sa mga iskandalo para lang mapag-usapan sa showbiz at magkaroon ng libreng publicity. Marunong siyang manahimik. Noong panahong magkaroon sila ng alitan ni Roxanne Guinoo dahil kay Jake Cuenca, nanahimik lang si Bea hanggang sa mamatay ang isyu. Nu’ng ligawan siya ni Gerald Anderson at pagbantaan siyang bubuhusan ng asido sa mukha ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald, nanahimik lang din si Bea hanggang sa namatay na lang ang isyu tungkol sa kanila ni Gerald.

Kaya nga, maraming naaaliw kay Bea.

ADVERTISING

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING