Bea Alonzo, pressured sa bagong teleserye

ADVERTISING

Bea Alonzo, pressured sa bagong teleserye

Bea-AlonzoKUMAPIT NA agad ang audience sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, dahil pilot episode pa lang ay nganga na sa pag-aabang ang mga tao.

Alam naman nating lahat na ang timeslot ng SBPAK ay galing sa katatapos pa lamang na The Legal Wife, kaya pressure ito para sa Team SBPAK. Pero ang ganda ng kuwento ng magkamukhang sina Rose at Emmanuel, kaya andami nang naku-curious kung paanong naging dalawa ang mukha nila.

Pero ang dinig namin, ha? Ang tsika eh, tatlong “Bea Alonzo” ang matutunghayan sa pagtutok natin sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Lutang na lutang din ang chemistry kina Bea at Paulo Avelino. Ni hindi nga namin naisip na dyowa pala ni Zanjoe si Bea, eh. Talagang ‘yung character na Rose ang nasa isip naming parang “hinaharot” ni Paulo, hahahaha!

ADVERTISING

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING