Bea Alonzo at Paulo Avelino, trending ang love scene sa serye

ADVERTISING

Bea Alonzo at Paulo Avelino, trending ang love scene sa serye

Paulo-Avelino-Bea-AlonzoHOT TOPIC pa rin ngayon at talagang pinag-uusapan ang love scene ng mga karakter nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa “most tempting episode” ng top-rating drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon na umere noong Biyernes (Setyembre 19).

Feel na feel talaga nina Bea at Paulo ang kanilang laplapan. Buti na lang at professional ang kani-kanilang dyowa — Bea kay Zanjoe at Paulo for KC Concepcion — at alam nilang trabaho lang ang lahat.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media, humataw ang serye nina Bea at Paulo ng national TV rating na 16.6%, mas mataas sa ratings ng katapat nitong programa sa GMA7 na nag-end na sa ere.

Bukod sa national TV ratings, humataw rin ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging nationwide trending topic ang official hashtag na #SBPAKAlab at worldwide trending topic naman si Paulo dahil sa buhos ng tweets kaugnay ng kontrobersyal na episode.

ADVERTISING

Tiyak na mas kapananabikan ng TV viewers ang mga mas umiinit na eksena ng serye ngayong unti-unti nang nalalantad sa lahat na si Rose (Bea) ay nagpapanggap lamang bilang ang yumaong abogadong si Emmanuelle.

Handa na bang harapin ni Rose ang kanyang pamilya at ang mga taong sumira sa buhay niya?

Anyway, sa Sabado (Setyembre 27) ay lilipad ang stars ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na sina Paulo at Maricar Reyes para sa espesyal na Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional para sa Peñafrancia Festival sa Bicol. Ito ay gaganapin sa SM City Naga parking lot, sa ganap na alas-kwatro ng hapon.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING