Bea Alonzo at Paulo Avelino, ang lakas ng chemistry

ADVERTISING

Bea Alonzo at Paulo Avelino, ang lakas ng chemistry

Paulo-Avelino-Bea-AlonzoGUSTO SANA naming ikuwento ang isang buong linggo ng Sana, Bukas Pa Ang kahapon, dahil napanood na namin ‘yung isang buong linggo. Kaso, mas magandang panoorin n’yo na lang simula sa June 16, dahil ang ganda. Ang ganda ng istorya.
Nakalimutan na nga naming teleserye pala ang pinanonood namin. Kala namin, isang bonggang movie sa Star Cinema. At in fairness, ramdam na agad ang chemistry kina Bea Alonzo at Paulo Avelino, huh! Sa sobrang kilig nga namin, na-extend ‘yon hanggang pag-ihi namin sa CR, hahahaha!
Hanep! ‘Yan lang ang masasabi namin. Ibang klaseng Bea Alonzo ang mapapanood n’yo.
AT NAPAKAHUSAY nang umarte ni Papa Paulo, huh!
Bigla tuloy naming na-miss si Papa Paulo nu’ng mapanood namin ang ilang eksena niyang naka-topless siya. Aba eh, hindi n’yo naitatanong (kaya ako na ang magtatanong), alam n’yo bang siya lagi ang kasama namin sa tent o sa dressing room nu’ng Walang Hanggan taping for one year din?
Kaya rin kami naging close ni Pau at siyempre, ‘pag walang take o tengga kami ay wala kaming ginawa kundi ang maghuntahan, magtsismisan at siyempre, isine-share ko sa kanya ang income ko… este, ang words of wisdom ko na maaari niyang magamit sa mga pagkakataong babagay sa WOW (words of wisdom nga, gagah!).
Saka siyempre, bigla naming na-miss si Pau nu’ng makita namin ang mga eksena niyang naka-topless nga siya, dahil bugbog at busog ang mga mata namin sa katawan niyang flawless sa tuwing nagbibihis siya. Napakakinis na bata (bata raw, o!)
Higit sa lahat, napakabait. At ‘yun ang dahilan kumbakit hindi kami mautugan sa kanya — napakabait na bata. Talagang inamin, o! Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING