Bea Alonzo, patuloy pa ring iniintriga sa ‘tomboy issue’

ADVERTISING

Bea Alonzo, patuloy pa ring iniintriga sa ‘tomboy issue’

Bea Alonzo, patuloy pa ring iniintriga sa ‘tomboy issue’UNFAIR NAMAN PARA kay Bea Alonzo na muli na namang maungkat ang nakaraang kontrobersiya noon tungkol sa diumano’y pagiging malapit sa kanya ng isang tomboy na nag-suicide. Ginagamit kasi ngayon ang nasabing isyu para intrigahin ang relasyon ng magandang aktres kay Zanjoe Marudo. Kung ano raw ba ang magiging reaksiyon ng matangkad na aktor tungkol sa nasabing isyu? Pinag-usapan kasi ang tungkol sa nasabing T-Bird nu’ng hindi pa sikat si Marudo.

Depensa ng mga beteranong manunulat sa showbiz, wala naman daw sigurong dapat na ipag-react si Zanjoe tungkol sa isyu. Dahil hindi rin naman nagre-react si Bea sa tsikang pantasya si Zanjoe ng maraming bading sa showbiz, at nagkaroon na rin ng tsismis na diumano’y kaya sumikat ang matangkad na aktor ay dahil sa simpatiya sa kanya ng mga bading. Natural lang daw na ang mga tomboy sa showbiz ay sa mga magagandang aktres may simpatiya.

In fairness kay Bea, tinuldukan niya ang isyu tungkol sa pagkakaugnay niya diumano sa T-Bird na ‘yon na nag-suicide.  Kaya wala na siyang dapat ipaliwanag ngayon. Tinapos ni Bea ang isyu sa kanyang salitang: “Wala po akong masasabi.  Tigilan na po sana ang isyu na ‘yan. Nananahimik po ‘yung mga taong hindi na dapat madamay sa isyu. Kaya irespeto naman po natin.”

 

ADVERTISING

MAHABA PA RIN ang listahan ni Coco Martin ng mga bagay na dapat niyang ayusin sa takbo ng kanyang buhay ngayong gumanda na talaga ang kanyang movie career at na-ngangahulugang lumalaki na rin ang perang kanyang kinikita. Sa kasimplehan ng tingin ni Coco sa buhay, ang inuuna niya talagang maipundar para sa kanyang pamilya ay sariling bahay at lote, habang nariyan din ang pagtulong niya sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid. Choice niya ‘yon. Kaya nga pagdating sa pakikipagrelasyon, ipinagdadamot pa rin niya sa kanyang sarili ang personal na kaligayahan.

Normal naman ang takbo ng buhay ngayon ni Coco. Nagpipigil lang talaga siya sa kanyang sarili na matuksong pumasok sa malalim na pakikipagrelasyon, dahil natutunan niyang mahalin ang kanyang propesyon, dahil ito ang unang dahilan ngayon kaya nagbabago ang takbo ng kanyang pamumuhay. Para sa kanya, ang dali-daling magkaroon ng girlfriend, dahil mga babae na ngayon ang lumalapit, nagpaparamdam at nagkakagusto sa kanya.

Hindi sanay manligaw si Coco. Nangyayari na lang daw, na pagkatapos maging close sila ng isang babae ay sila na pala.  Mahiyain siya sa pormal na ligawan. Kaya nga obvious agad na ‘yung pagbibigay niya ng kuwintas kay Angeline Quinto sa first major concert ng singer ay amuy na amoy kaagad na isang promo, dahil ang ending ay may movie na nga sila. Wala nga kasi sa istilo ni Coco ‘yung panliligaw na sobrang hayagan. Sa ngayon, si Angeline ay isa lang sa mahabang listahan ng mga babae sa showbiz na humahanga sa maga-ling na aktor.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING