Bea Alonzo, palaban sa bed scene with Richard Gomez sa bagong movie

Bea Alonzo, palaban sa bed scene with Richard Gomez sa bagong movie


Bea-AlonzoHINDI PA
man tapos ang pagpapalabas ng blockbuster film na The Breakup Playlist nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo ay meron na agad pelikulang ipalalabas ang Star Cinema. Ito ay ang The Love Affair na dating Crossroads ang title na pinagbibidahan nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, at Bea Alonzo.

Ayon sa nakausap namin na taga-Star Cinema, mag-asawa sina Dawn at Goma sa movie at si Bea ang “other woman”, pero hindi raw basta mistress lang si Bea sa movie na katulad ng naging role niya sa The Mistress.

Ibang klaseng “kabit” daw si Bea sa The Love Affair. Maging si Dawn daw ay hindi ‘yung typical role na mabait na asawa ang pinu-portray sa pelikula.

How true na si Dawn ang unang nangaliwa at nanlalaki sa movie? Well, bago nga ito for her na laging bait-baitan sa pelikula.

May tanong din daw na sasagutin ang pelikula kapag pinanood ito. Tanong na kung ang babae daw ba ang unang nagloko sa isang relasyon ay may karapatan na ring magloko o maghanap ng ibang babae ang asawang lalaki?

Anyway, base pa sa aming source, may bed scene si Bea with Richard sa The Love Affair at matindi raw ito, huh!

Si Nuel Naval ang direktor ng pelikula.

La Boka
by Leo Bukas