Bea Alonzo, nilinaw ang relasyon kay Dominic Roque: ‘Hindi pa kami!’

Leo Bukas

NAKAKAGULAT ang huling mga binitiwang salita ng aktres na si Bea Alonzo sa interbyu sa kanya ng Mega Entertainment na diumano’y nakaranas siyang “emotional abuse” habang sila pa ni Gerald Anderson. Mabuti na lang at tila okey na ngayon ang aktres dahil kay Dominic Roque na madalas makitang ka-date niya.

Bea Alonzo, nilinaw ang relasyon kay Dominic Roque: ‘Hindi pa kami!’
Bea Alonzo

“No. Wala pa kami. Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in a way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang, nahihiya ako sa mga tao na ‘I’m 33, I am dating,” giit ni Bea sa stus nila ngayon ni Dominic.

Patuloy pa niya, “Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing.”

Hindi naman isinasara ni Bea ang posibilidad na ma-in love ulit pero very careful na raw siya ngayon.

Aniya, “I am very careful when it comes to falling so deep again and trusting anybody, but I would like to say that I am open to being happy whether it’s romantically or in that aspect, romance or work. I am very open as you can see di ba I am opening so many doors so I am open to a lot of possibilities.

Bea Alonzo, nilinaw ang relasyon kay Dominic Roque: ‘Hindi pa kami!’
Dominic Roque and Bea Alonzo

“And to be honest, akala ko at 33 I would be married, but siguro kapag siguradong-sigurado na ako about the person, doon na ako mag-sha-share kasi parang nahihiya din ako to let everyone know that I’m with somebody again, iba-iba rin tayo ng timeline. And maybe I will also get there, but maybe not soon.”

Sa kabila ng mga pinagdaanan ay masaya pa rin naman daw ang aktres.

“Happy ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. I’m also a bit terrified because of all these decisions, everything is new talaga,” lahad pa ng aktres.