Bea Alonzo nagsalita na sa ‘loyalty issue’

Leo Bukas

KAHIT wala na sa Star Magic ay handa pa rin si Bea Alonzo na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN kapag may magandang offer. Handa rin daw siyang matrabaho sa iba pang TV network.

Sa interbyu ng PEP ay nagsalita si Bea tungkol sa “loyalty” issue. Pinasalamatan din niya ang TV network sa pagbibigay sa kanya ng trabaho at magandang career sa showbiz.

Bea Alonzo nagsalita na sa ‘loyalty issue’
Bea Alonzo

“Ang akin kasi, everyone has been loyal to ABS. And, sa totoo lang, ABS was so gracious in giving us jobs, giving us our careers. But, siyempre, we also worked hard to have our careers.

“We also made sacrifices to get here. It’s not like it was just handed to us, di ba?” pahayag  ni Bea.

Iginiit din ng aktres na malaki talaga ang utang na loob niya sa ABS-CBN na naging tahanan niya for almost two decades.

Aniya,  “But ABS has been so, so nice and kind in giving us projects. Kahit na may mga panahon na we messed up, but yung ABS nandiyan pa rin.

But, siyempre, iba-iba tayo ng personal na pinagdadaanan. And feeling ko… Siyempre, it’s so hard to judge a person, lalo na sa panahon na ito.

“We don’t know what they’re going through. We don’t know what their needs are. We don’t know kung ano’ng pangangailangan ng pamilya nila.”

Nakiusap din si Bea na huwag sila agad husgahan ng iba pang mga kapwa niya artistang umalis na rin sa Star Magic at ABS-CBN.

“Ano siguro, mas pepreno ako sa judgments. Mas pepreno ako sa pagbibigay ng opinyon ko tungkol sa mga taong yon, kasi hindi natin alam kung anong pinagdadaanan nila.”

“Oo, may judgments at may judgments. Pero, siyempre, ifi-filter mo na lang din kung ano yung ia-absorb mo, kasi kapag in-absorb mo lahat, siguro baka maloka ka na lang, di ba?

“Papangalagaan mo rin ang mental health mo. You have to filter what you absorb,” lahad pa ng aktres.